Archive for November 28th, 2008
FOR THE SECOND TIME.

ABSORBINGMAN: Kuya, Ayala po.
MANONG: Ok.
-
MANONG: Grabe yung sa taxi kahapon noh?!
ABSORBINGMAN: Alen? Baket?
MANONG: Dalawang taxi driver kahapon, pinatay. [click here for info]
ABSORBINGMAN: Ayy, oo. Kawawa nga e.
MANONG: Grabe, para lang sa kakarampot na pera, pumapatay sila.
ABSORBINGMAN: Honga e.
MANONG: Wala naman ginagawang masama sa kanila, ganun ganun nalang nilang papatayin. Buti sana kung tulad sila ni Abalos. Tsaka ni Joc-Joc Bolante. Kahit ako siguro, hindi marunong pumatay, kayang kaya kong patayin yung mga yun e.
ABSORBINGMAN: Hahaha.
MANONG: Di ba?!
-
MANONG: Uyy chicks!
-
MANONG: Male-late ka na ba?!
ABSORBINGMAN: *dedma*
MANONG: Male-late ka na ba?! (mas malakas)
ABSORBINGMAN: Uhm… Yata, hindi ko lam e.
MANONG: Anung oras ba pasok mo?
ABSORBINGMAN: Alas singko.
MANONG: Kaya pa yan. Kapag madaling araw naman, mabilis ang biyahe e. Di Ba dati, umabot tayo.
ABSORBINGMAN: Ha?!
MANONG: Nasakay na kita dati e. Nasakay na yata kita e.
ABSORBINGMAN: Uhm.. Ewan. Hindi ko na maalala e. Ahehe.
MANONG: Nasakay na kita! Nagko-callcenter ka dba?! Sa Ayala ka pa nga dba?! Sa PS ka dba?!
ABSORBINGMAN: Ahh! Kaw yung nagpapatakbo ng 180!
MANONG: Ha?! Nagpapatakbo ng 180?!
ABSORBINGMAN: Oo. Di ba?!
MANONG: Umabot ba ng PhP180 metro naten dati?!
ABSORBINGMAN: Hindi! Ikaw yung nagpapatakbo ng 180 dati sa NLEX! Di ba?! Kaw ba yun?!
MANONG: Ah! Oo! Hahaha. Naaalala mo pa yun?!
ABSORBINGMAN: Oo naman.
MANONG: Hahaha. Oo. Laki ng kita ko nun. Biruin mo, tatlong libo na nga yung kita ko, dinagdagan pa nila ng isang libo! Hahaha.
ABSORBINGMAN: Hahaha. Honga… Kuya dito nalang po tayo sa kanan (pa-LRT, imbes na pa-EDSA).
MANONG: Ahh, sige. Galing. Dapat ganyan. Yung iba kase, hindi nagsasalita, nagagalit nalang bigla.
-
(may nakasabay sa kalsada na taxi na may krus sa bubong)
MANONG: Aba! Hanep yung taxi o. May krus sa ibabaw. Buhay ka pa, pinapatay ka na. Hahaha. Kahit ako, hindi ako sasakay sa ganyang taxi! Hahaha. Di, ba?!
-
Tinatamad nakong i-post ang mga kwento nia, pero grabe kung mapagkwento si kuya. Mapi-feel mong close kayo. Hahaha. Sa mga sumunod nyang kwento, tungkol naman sa taxi. Maganda daw kung taxi muna bilin bago kotse (pinagkaiba?! ung sulat sa pinto?!). Malake daw kase kita ng taxi at sabe pa nia: “Susyal pa! Isang text mo lang, anjan na yun. Hahaha. Hatid ka tsaka sundo. Text mo lang 1 hour o kaya 30 minutes before uwian. Hahaha.” At ang nakakatuwa pa sa kwento niang yun, ang sabe nia, taon daw ang inaabot o yung pagitan kapag nahuhuli sya o di kaya nababangga. At ang hinaing nia, sana naman daw may bonus kumbaga kung hindi sya maaaksidente sa luob ng isang taon. Bayaran daw dapat sya ng operator. Haha. Honga naman. parang sa callcenter, kapag naka benta, may kumisyon. Kapag perfect ang attendance, may bonus! Kapag mataas ang grades, dagdag sweldo!
-
At dahil nga napag usapan na rin na hindi sya naaaksidente sa pagmamaneho ng taxi nia, nasingit naman niang walong beses na syang naaksidente sa motor. Nakakatuwang pakinggan mga kwento nia ng experience nia sa motor. Dinedemonstrate pa nia kung panu sya lumiliko at kung panu sya bumabangga. Hahaha. “Eeenggg… Bugsh!” May mga sound effect pa. Haha.
-
Sa mga kwento nia, feeling ko, andami dami na niang karanasan sa buhay. Na parang wala man lang sa sampung porsyento sa na-experience ko yung na experience nia. Kahit na sabihin nating mas matanda sya.
-
Pero pinaka nagustuhan ko sa mga kwento nia, e, nung tungkol sa holdapan na pinatay na taxi driver. Parang masyado syang nababahala sa pagkaka kwento nia. Naramdaman ko tuloy yung feeling ng isang taxi driver. Nakakatakot. Naks. Hahaha.
-
Nasakay na nga pala ko sa kanya dati. Nagkukwento naman sya nun ng tungkol sa pag da-drive nia. Sabe pa nia, “Sa klase ng driving ko, hindi ka male-late!” At nun nga nia nakwento na yung boss daw nia, nagpatakbo ng 160. Nagyayabang daw. Ayun at nung nagkapasahero sya ng foreigner na ihahatid nia either sa Clark or Subic, hindi ko na maalala, tapos, inalok daw sya ng isang libo kung patatakbuhin nia ng 180. Sabe pa nia, yun na daw ang pagkakataon nia na talunin ang boss nia. Hahaha.
Add comment November 28, 2008
TAXI
MANONG: bawal ba magsakay dito?
ABSORBINGMAN: uhm… hindi ko lam hehe. baka. ewan ko, wala naman pulis e.
MANONG: ang gulo kase dito sa pasay. hindi mo malaman kung san sakayan..
ABSORBINGMAN: hehe. honga.
MANONG: may tindahan ba dyan?
ABSORBINGMAN: ewan ko po. malay ko.
MANONG: dati may tindahan jan e.
MANONG: ayun! tindahan. may skyflakes kaya jan?
ABSORBINGMAN: ahehe ewan. baka. haha.
ABSORBINGMAN: kuya dito nalang po sa kaliwa, sa buendia.
MANONG: ha? matraffic jan. dito nalang sa ano, sa dela rosa.
ABSORBINGMAN: hindi po ba mas matraffic jan?
MANONG: edi kung matraffic, lipat tau sa buendia.
ABSORBINGMAN: ahehe ok.
MANONG: dito, ang mahal pa pintura tsaka pagawa ng sasakyan. 45,000! samantalang sa iba 35,000 lang. pareho lang naman ng dating.
ABSORBINGMAN: oh? hehehe. ganun ba.
MANONG: oo. ung pwesto lang yata ung binabayaran dito. sa iba mura lang naman.
ABSORBINGMAN: hehe. ok.
MANONG: tignan mo tong mamang toh, butas butas muka. kaya ganyan e. butas butas muka.
ABSORBINGMAN: hahaha.
MANONG; yung babae o, nakalabas na ung bilbil, yumuyugyog hahaha.
ABSORBINGMAN: hahahaha.
MANONG: dati may pasahero ko, dito sya sumakay. babae.
BSORBINGMAN: oh, tapos?
MANONG: tapos sa alabang daw sya! hahahaha. sabe, bibigyan nia nalang ako ng ____(hindi ko naintindihan) pagbalik. hahaha. tapos daan nalang daw ng SLEX. tapos, binigyan nga ako. e may nasakay pako sa sucat. hahahaha!
Add comment November 28, 2008
NCAA Plus @ 85
Taun taon nalang na chichismis na may madadagdag na team sa roster ng NCAA. Pero ngayon lang yata magkakatotoo ang mg a chismis na toh.
Una, napabalita na nag leave ang PCU, indefinite leave daw. Pero ang sabe, hindi na daw babalik, forevah! Haha. Ayus din un, kakainit ng ulo mga taga PCU e. Haha. Tapos ngayon, sabe ung EAC daw ang papalit sa pwesto ng PCU. Sabe naman, unfair daw un para sa PCU kaya hindi muna mag eentertain ng mga gustong sumali sa liga ang NCAA. Sabe naman ng iba, Arellano daw ang papalit. Haays. pero e2 ang nabasa ko sa balita sa internet: NCAA to announce new team before year ends.
Ayon sa ManCom Chairman na si Ding Lozano ng Mapua, ia-announce daw nila yung bagong member ng liga sa December 16, 2008. Ang mga kandidato sa pagpalit sa nabakanteng pwesto ng PCU ay: Emilio Aguinaldo College, Centro Escolar University, Angeles Foundation University, Arellano University at Lyceum of the Philippines University. Kelangan daw ma-meet nila ung requirements ng NCAA tulad ng pagkakaroon ng pambato sa juniors division atsaka dapat hindi lang pambasketbol, pang ibang events din. Ayon pa kay Mr. Ding Lozano, in english *nosebleed*, “By 2009, we may add two more schools bringing to 10 our members for the 85th NCAA season.”
Kung saka-sakali ngang magkatotoo toh, sana CEU or EAC nalang. Haha. Kung dapat tatlo, edi sana EAC, CEU at Lyceum nalang.
Emilio Aguinaldo College Generals, aba, battle of the heroes, Rizal vs. Aguinaldo! hahahaha. Piso vs. Limang Piso. Balita ko rin, may magandang varsity program ang EAC kaya pwede na rin. Para naman makahanap na ng rival ang HOPIA palaman LEON na JRU. Hahaha. Kaso sabe, madumi daw magalro mga taga EAC. Meron daw isang liga na kasale sila tsaka ung Letran tapos natalo Letran tapos after nun, nakita ng isang taga Letran ung coach ng EAC na kausap ung referee sa parking lot. Aba. Tignan naten kung kaya nila tong gawin sa NCAA.
Lyceum of the Philippines University Pirates. Kapit bahay lang. Bagong contender sa pagkuha ng titulong Muralla’s Best. Etong bagay na kapalit ng PCU sa NCAA. Sigaw ng mga taga Beda, “Iskwater! Iskwater!”
Centro Escolar University Pink (Panthers?!) Scorpions. Lam ko, malake population nitong school na toh. baka madagdagan ng crowd sa mga games. Bagong color sa NCAA! naiiba, PINK! At baka maging bagong karibal ng Letran at JRU… Sa pag sigaw ng Beda-Tulo-Laway.
Sana, kahit anu pa man ang mangyare, may magandang kahinatnan ang desisyon ng ManCom. Mas madame siguro, mas masaya. Mas mahabang season, mas maraming games na mapapanuod.
Add comment November 28, 2008





