FOR THE SECOND TIME.

November 28, 2008

taxi

11/29/2008
ABSORBINGMAN
: Kuya, Ayala po.
MANONG: Ok.
-
MANONG: Grabe yung sa taxi kahapon noh?!
ABSORBINGMAN: Alen? Baket?
MANONG: Dalawang taxi driver kahapon, pinatay. [click here for info]
ABSORBINGMAN: Ayy, oo. Kawawa nga e.
MANONG: Grabe, para lang sa kakarampot na pera, pumapatay sila.
ABSORBINGMAN: Honga e.
MANONG: Wala naman ginagawang masama sa kanila, ganun ganun nalang nilang papatayin. Buti sana kung tulad sila ni Abalos. Tsaka ni Joc-Joc Bolante. Kahit ako siguro, hindi marunong pumatay, kayang kaya kong patayin yung mga yun e.
ABSORBINGMAN: Hahaha.
MANONG: Di ba?!
-
MANONG: Uyy chicks!
-
MANONG: Male-late ka na ba?!
ABSORBINGMAN: *dedma*
MANONG: Male-late ka na ba?! (mas malakas)
ABSORBINGMAN: Uhm… Yata, hindi ko lam e.
MANONG: Anung oras ba pasok mo?
ABSORBINGMAN: Alas singko.
MANONG: Kaya pa yan. Kapag madaling araw naman, mabilis ang biyahe e. Di Ba dati, umabot tayo.
ABSORBINGMAN: Ha?!
MANONG: Nasakay na kita dati e. Nasakay na yata kita e.
ABSORBINGMAN: Uhm.. Ewan. Hindi ko na maalala e. Ahehe.
MANONG: Nasakay na kita! Nagko-callcenter ka dba?! Sa Ayala ka pa nga dba?! Sa PS ka dba?!
ABSORBINGMAN: Ahh! Kaw yung nagpapatakbo ng 180!
MANONG: Ha?! Nagpapatakbo ng 180?!
ABSORBINGMAN: Oo. Di ba?!
MANONG: Umabot ba ng PhP180 metro naten dati?!
ABSORBINGMAN: Hindi! Ikaw yung nagpapatakbo ng 180 dati sa NLEX! Di ba?! Kaw ba yun?!
MANONG: Ah! Oo! Hahaha. Naaalala mo pa yun?!
ABSORBINGMAN: Oo naman.
MANONG: Hahaha. Oo. Laki ng kita ko nun. Biruin mo, tatlong libo na nga yung kita ko, dinagdagan pa nila ng isang libo! Hahaha.
ABSORBINGMAN: Hahaha. Honga… Kuya dito nalang po tayo sa kanan (pa-LRT, imbes na pa-EDSA).
MANONG: Ahh, sige. Galing. Dapat ganyan. Yung iba kase, hindi nagsasalita, nagagalit nalang bigla.
-
(may nakasabay sa kalsada na taxi na may krus sa bubong)
MANONG: Aba! Hanep yung taxi o. May krus sa ibabaw. Buhay ka pa, pinapatay ka na. Hahaha. Kahit ako, hindi ako sasakay sa ganyang taxi! Hahaha. Di, ba?!
-
Tinatamad nakong i-post ang mga kwento nia, pero grabe kung mapagkwento si kuya. Mapi-feel mong close kayo. Hahaha. Sa mga sumunod nyang kwento, tungkol naman sa taxi. Maganda daw kung taxi muna bilin bago kotse (pinagkaiba?! ung sulat sa pinto?!). Malake daw kase kita ng taxi at sabe pa nia: “Susyal pa! Isang text mo lang, anjan na yun. Hahaha. Hatid ka tsaka sundo. Text mo lang 1 hour o kaya 30 minutes before uwian. Hahaha.” At ang nakakatuwa pa sa kwento niang yun, ang sabe nia, taon daw ang inaabot o yung pagitan kapag nahuhuli sya o di kaya nababangga. At ang hinaing nia, sana naman daw may bonus kumbaga kung hindi sya maaaksidente sa luob ng isang taon. Bayaran daw dapat sya ng operator. Haha. Honga naman. parang sa callcenter, kapag naka benta, may kumisyon. Kapag perfect ang attendance, may bonus! Kapag mataas ang grades, dagdag sweldo!
-
At dahil nga napag usapan na rin na hindi sya naaaksidente sa pagmamaneho ng taxi nia, nasingit naman niang walong beses na syang naaksidente sa motor. Nakakatuwang pakinggan mga kwento nia ng experience nia sa motor. Dinedemonstrate pa nia kung panu sya lumiliko at kung panu sya bumabangga. Hahaha. “Eeenggg… Bugsh!” May mga sound effect pa. Haha.
-
Sa mga kwento nia, feeling ko, andami dami na niang karanasan sa buhay. Na parang wala man lang sa sampung porsyento sa na-experience ko yung na experience nia. Kahit na sabihin nating mas matanda sya.
-
Pero pinaka nagustuhan ko sa mga kwento nia, e, nung tungkol sa holdapan na pinatay na taxi driver. Parang masyado syang nababahala sa pagkaka kwento nia. Naramdaman ko tuloy yung feeling ng isang taxi driver. Nakakatakot. Naks. Hahaha.
-
Nasakay na nga pala ko sa kanya dati. Nagkukwento naman sya nun ng tungkol sa pag da-drive nia. Sabe pa nia, “Sa klase ng driving ko, hindi ka male-late!” At nun nga nia nakwento na yung boss daw nia, nagpatakbo ng 160. Nagyayabang daw. Ayun at nung nagkapasahero sya ng foreigner na ihahatid nia either sa Clark or Subic, hindi ko na maalala, tapos, inalok daw sya ng isang libo kung patatakbuhin nia ng 180. Sabe pa nia, yun na daw ang pagkakataon nia na talunin ang boss nia. Hahaha.

Entry Filed under: byahe. Tags: , .

Leave a Comment

Required

Required, hidden

Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


I am the Incredible Absorbingman

Ang Nakalipas…

Categories

Recent Posts

RSS ABS-CBN News Online

RSS PEP News

RSS Philippine Star Sports News

RSS CNN World News

 

November 2008
S M T W T F S
    Dec »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  

Blogroll

Tags

8 85 2009 abs-cbn absorbingman Arellano Basketball beta biyahe CEU college diowel dirty dogs driver EAC explorer ie ie8 incredible internet internetexplorer internetexplorer8 JRU Letran Lyceum macau Mapua mendoza microsoft mmm mmmsarap mmmsarrrap NCAA ofw PCU philippines pigs San Beda sarap sarrrap spread taxi tv windows

ProudlyPINOY.org

Meta

SPREAD IE8!


MICROSOFT INTERNET EXPLORER 8 BETA

Psycho Sya Video

Blog Stats

STATCOUNTER

free web stats