Posts filed under 'NCAA'

NCAA Plus @ 85

Ncaa

Taun taon nalang na chichismis na may madadagdag na team sa roster ng NCAA. Pero ngayon lang yata magkakatotoo ang mg a chismis na toh.

Una, napabalita na nag leave ang PCU, indefinite leave daw. Pero ang sabe, hindi na daw babalik, forevah! Haha. Ayus din un, kakainit ng ulo mga taga PCU e. Haha. Tapos ngayon, sabe ung EAC daw ang papalit sa pwesto ng PCU. Sabe naman, unfair daw un para sa PCU kaya hindi muna mag eentertain ng mga gustong sumali sa liga ang NCAA. Sabe naman ng iba, Arellano daw ang papalit. Haays. pero e2 ang nabasa ko sa balita sa internet: NCAA to announce new team before year ends.

Ayon  sa ManCom Chairman na si Ding Lozano ng Mapua, ia-announce daw nila yung bagong member ng liga sa December 16, 2008. Ang mga kandidato sa pagpalit sa nabakanteng pwesto ng PCU ay: Emilio Aguinaldo College, Centro Escolar University, Angeles Foundation University, Arellano University at Lyceum of the Philippines University. Kelangan daw ma-meet nila ung requirements ng NCAA tulad ng pagkakaroon ng pambato sa juniors division atsaka dapat hindi lang pambasketbol, pang ibang events din. Ayon pa kay Mr. Ding Lozano, in english *nosebleed*, “By 2009, we may add two more schools bringing to 10 our members for the 85th NCAA season.”

Kung saka-sakali ngang magkatotoo toh, sana CEU or EAC nalang. Haha. Kung dapat tatlo, edi sana EAC, CEU at Lyceum nalang.

Emilio Aguinaldo College Generals, aba, battle of the heroes, Rizal vs. Aguinaldo! hahahaha. Piso vs. Limang Piso. Balita ko rin, may magandang varsity program ang EAC kaya pwede na rin. Para naman makahanap na ng rival ang HOPIA palaman LEON na JRU. Hahaha. Kaso sabe, madumi daw magalro mga taga EAC. Meron daw isang liga na kasale sila tsaka ung Letran tapos natalo Letran tapos after nun, nakita ng isang taga Letran ung coach ng EAC na kausap ung referee sa parking lot. Aba. Tignan naten kung kaya nila tong gawin sa NCAA.

Lyceum of the Philippines University Pirates. Kapit bahay lang. Bagong contender sa pagkuha ng titulong Muralla’s Best. Etong bagay na kapalit ng PCU sa NCAA. Sigaw ng mga taga Beda, “Iskwater! Iskwater!”

Centro Escolar University Pink (Panthers?!) Scorpions. Lam ko, malake population nitong school na toh. baka madagdagan ng crowd sa mga games. Bagong color sa NCAA! naiiba, PINK! At baka maging bagong karibal ng Letran at JRU… Sa pag sigaw ng Beda-Tulo-Laway.

Sana, kahit anu pa man ang mangyare, may magandang kahinatnan ang desisyon ng ManCom. Mas madame siguro, mas masaya. Mas mahabang season, mas maraming games na mapapanuod.

Add comment November 28, 2008


I am the Incredible Absorbingman

Ang Nakalipas…

Categories

Recent Posts

RSS ABS-CBN News Online

RSS PEP News

RSS Philippine Star Sports News

RSS CNN World News

 

November 2009
S M T W T F S
« Dec    
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Blogroll

Tags

8 85 2009 abs-cbn absorbingman Arellano Basketball beta biyahe CEU college diowel dirty dogs driver EAC explorer ie ie8 incredible internet internetexplorer internetexplorer8 JRU Letran Lyceum macau Mapua mendoza microsoft mmm mmmsarap mmmsarrrap NCAA ofw PCU philippines pigs San Beda sarap sarrrap spread taxi tv windows

ProudlyPINOY.org

Meta

SPREAD IE8!


MICROSOFT INTERNET EXPLORER 8 BETA

Psycho Sya Video

Blog Stats

STATCOUNTER

free web stats